Ang daming post about 3 months brownout sa Pilipinas because of the gas shortage and it even got a thousands of shares and likes from netizens. Gaano ba katotoo ang post na ito at dabat ba tayong mabahala?
From the one who post it:
For clarity, the information is based on posts circulating online allegedly coming from a municipality in Pangasinan, and not a confirmed nationwide situation.
Let’s wait for official announcements from concerned agencies. This post is for awareness only. Thank you.
User:
FYI lang po, to avoid panicking and hoarding:
There are a lot of posts circling around stating na 45 Days na lang ang itatagal ng kuryente sa Pilipinas. Mali— hindj po ganon ang ibig sabihin ng DOE.
Ang sabi ng DOE ay may sapat na supply (45 Day Supply)— hindi po ibig sabihin na sa ika 46 na araw or after April ay mawawalan na ng kuryente sa bansa. Hindi po.
Ang sinasabi ni DOE ay may buffer stock ang PH, parang Emergency Fund po ito. Meaning, kung sakaling biglang huminto ang lahat ng barkong nagdadala ng langis sa Pilipinas ngayon din, mayroon tayong sapat na stock para mapatakbo ang mga sasakyan at power plants sa loob ng 45 araw.
Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy pa rin ang pag-angkat ng Pilipinas. Hindi pa din po humihinto. Ibig sabihin yung 45 Day Supply rolling pa din po. Umiikot pa po.
National Energy Emergency was declared para masigurong bago pa man maubos ang 45 days, nakahanap na ang gobyerno ng ibang mapagkukunan ng langis (alternative sources) bukod sa mga lugar na may gulo.
Sa madaling salita po, ang 45 days ay sukatan ng oras para makagawa ng solusyon. Hindi po ito countdown para sa isang kuryente-pocalypse. Huhu.
Sana po sa lahat— huwag tayo basta basta nag p-post ng hindi natin alam, hindi po nakaka tulong sa panahon ng crisis ang pag p-post ng basta basta lang na hindi natin napag aaralan.
Ang tama po nating gawin ay mag post at mag campaign for energy saving.
CTTO



0 Comments