Header Ads Widget

GURO SA DAVAO DE ORO, PINAGTULUNGAN UMANONG BUGBUGIN NG MGA ESTUDYANTE, DEPED REGION XI


WATCH: Kuha sa isang video ng uploader na si Scar Lett ang isang insidente sa loob ng isang paaralan sa Maco, Davao de Oro, kung saan isang guro ang umano'y binugbog ng dalawang estudyante kahapon, July 27, 2026, ayon sa XFM Davao Katropa Digital.


Kinumpirma naman ito ng Department of Education Region XI (DepEd XI). Ayon kay DepEd XI Spokesperson Jenielito “Dodong” Atillo, pinalalalim na ang imbestigasyon sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Phoebe Jay Refamonte upang matukoy ang buong pangyayari at ang naging ugat ng insidente.

https://www.facebook.com/share/v/1HxSfWrbEu/

Binigyang-diin din ni Atillo ang kahalagahan ng paggalang sa isa't isa anuman ang sitwasyon. Hinikayat din niya ang publiko na hintayin ang opisyal na resulta ng imbestigasyon upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon at karagdagang kaguluhan.


#DavaoDeOro #DepEd #Education


Source: RadyoMaN / via DXDC 621 RMN Davao

📽: Scar Lett


Post a Comment

0 Comments