PLANADO ANG PAMAMARIL SA TACLOBAN?
Lumabas sa social media ang umano’y pag-uusap sa Messenger ng mga menor de edad na suspek sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Batay sa mga kumakalat na mensahe, nagkasundo umano silang magdala ng baril at magsagawa ng pag-atake sa paaralan.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pagiging tunay ng mga mensahe. Samantala, napag-alamang ang isa sa mga baril na ginamit ay umano’y pagmamay-ari ng isang kamag-anak na pulis at kinuha nang walang pahintulot.
Contribute Photos
Earth WatchPh Digital
JUNE 23,2026















0 Comments