UPDATE: Patuloy na lumalapit sa silangang bahagi ng #Mindanao ang Tropical Depression #BasyangPH at inaasahang lalakas pa ito hanggang maging isang tropical storm sa loob ng mga susunod na oras.
Batay sa mga pinakahuling datos mula sa mga weather model, tinutumbok ng bagyo ang #CaragaRegion kung saan inaasahan ang unang paglapit o pag-landfall sa araw ng Huwebes. Pagkatapos nito, posibleng baybayin ng sistema ang mga bahagi ng #NorthernMindanao at #Central at #WesternVisayas sa araw ng Biyernes, bago tumama o dumaan malapit sa #NorthernPalawan sa araw ng Sabado.
Patuloy na inaabisuhan ang mga residente, lalo na sa mga nabanggit na lugar, ukol sa posibleng direktang epekto ng bagyo na maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan, malalakas na bugso ng hangin, biglaang pagbaha, at pagguho ng lupa.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto at patuloy na magmonitor ng mga susunod na opisyal na update hinggil sa bagyong ito.

0 Comments